Friday, December 4, 2015

Buhay OFW

Standard
Mahirap nga talaga maging isang OFW, kasi sa una pa lang bago ka pa lang umalis ng Pilipinas isang matinding sakripisyo na ang iwan ang mga mahal mo sa buhay at mahiwalay sa kanila para sabi nila para mabigyan ng mas maganda at maginhawang buhay.

Magbibilang ka ng ilang araw, linggo at taon, mabuhay na mag isa kasama ang ilang hindi mo kilala. Minsan pa ibang lahi. Napaka hirap... Kaya sana wag nating sayangin ang pagkakataon mahirap man na magipon at makasiguradong hindi tayo talo pag uwi natin sa Pilipinas. 

Naalala ko tuloy ang isang linyang binitawan ni Ms. Sharon Cuneta sa pelikula niyang Caregiver, nung panahong pabalik na sila ng Pilipinas from London dahil nawalan ng trabaho si John Estrada dahil sa kapabayaan niya at kawalan ng disiplina.. Sharon refuse to go with John to go back to the Philippines and she explained to John that "wala na tayong babalikan sa Pilipinas...", she also added that "ano ang sasabihin natin sa anak natin? Mommy, ano ginawa niyo sa London? NAGPA-PICTURE??..." Its a good explanation for us OFWs na nagpapakahirap dito sa ibang bansa para makaipon ng sapat para sa mag maginhawang buhay.

Minsan kung mamalasin ka pa, makakuha ka ng among hindi mo kasundo at halos araw araw ay parusa ang pakiramdam mo sa trabaho. Pero sa kabila ng lahat, isang iglap lang babaliwalain mo ng lahat yun dahil naisip mo ang iyong pamilya na umaasa sayo sa Pilipinas at nagbibigay ulit ng lakas ng loob. Tiis pa, OFW.. kaunting tiis pa..

Dagdagan pa ang pag dalaw sayo ng HOMESICKNESS.. ang pagiging OFW ay isa talagang malaking hamon para sa buhay ng isang tao, Isa na sa pinaka mahirap kalabanin ay ang pangungulila mo sa pamilya, na isang araw na lang ay mapapa-upo ka sa isang tabi, matulala at bigla na lang maluluha.. Namimiss mo ang lahat.. na kasama sila at kasama ka nila.

Ano pa bang sakripisyo ng isang OFW, ang mag tipid sa lahat ng bagay para lang makapag padala ng hindi lang sapat kung hindi palaging may pasobra. Christmas, birthday, school, at kung ano ano pa. Naranasan mo kumain ng itlog lang sa buong buwan, idagdag mo ang noodles kung may sobra.. Kubos (para sa mga nasa ME) at minsan wala pa.. Pero mawawala lahat ng pagtitiis na yun pag dating ng sweldo mo sa katapusan na minsan na de-delay pa.. Haaayy.. hirap no?

0 comments :

Post a Comment